"Hindi na tayo bata para hindi makilala ang ating mga sarili."
2016 nang una kong simulan ang pagsusulat. Sa pagitan ng lungkot, balisa, at pagsuko—kinailangan kong maghanap ng outlet, ng mapagtutuonan ng pansin, ng mapagbabalingan ng atensiyon, ng magiging hingahan ng lahat ng damdaming hindi ko maipaliwanag.
Apat na taon na ang nakalipas, hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Marami pa rin akong bagay na gustong gawin, subukan. Marami pa ring mga tanong ang naiwan. Maraming duda ang umaaligid. Ngunit isa lang ang sigurado sa ngayon, laging may pagkapit sa lubid ng panulat. Ibang pahinga at paghinga ang ipinagkakaloob sa akin ng kakanyahang magsulat.
—Salamat sa sining ng pagkatha at talinghaga!
-Fin, Bb. Tinay