01 Sep
01Sep

Kanina, Aug. 31, 2016, nahuli na ako ng gising. Sapat lang sana ang oras para makagayak at makapunta sa iskul. Wala naman akong klase pero ngayon nakaisked ang linis ng klase ko sa CIWETS2.

Pagkapa ko sa leeg ko, na lagi kong ginagawa para siguraduhin nandoon pa rin ang kwintas na bigay niya. Unti-unti, nahila ko ang kwintas. Putol na. Hindi ko alam kung paano mapuputol iyon, hindi naman ako malikot matulog at hindi ko rin naman pinutol dahil kahit papaano pinapahalagahan ko pa rin naman ang masasayang alaala naming dalawa.

Nakatatawa, pero baka pinutol na ng kwintas ang sarili niya para kumawala sa akin. Para pakawalan ang gahiblang pag-asa na baka pwede pa. Natawa na lang din ako. 

Natanong ko sa sarili, umaasa ka pa ba talaga? Ang sagot ng utak ko, HINDI NA. Ang sagot ng puso ko, DEPENDE. Sa totoo lang, hindi ko nga talaga alam ang tamang sagot sa tanong na hindi ko rin naman sigurado kung itatanong bang talaga sa akin. PWEDE PA BA?

Sa ngayon, ang gusto ko lang talaga ay makalimot. Maging tahimik. Maging masaya. Makaiwas sa panghuhusga. Matutong magmahal ulit. Alam kong hindi madali, pero kaya! 

Naiinis ako kapag may nangungumusta sa akin. Dalawa kasi ang posibleng reaksyon nila kaya hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang isasagot ko. Kapag sinabi kong okay ako, ang magiging reaksyon nila, ulul wag ako. Kapag sinabi ko namang hindi okay at nasasaktan ako, ang sasabihin naman nila 'wag mong iyakan 'yan, maging matapang ka, 'wag kang magpakatanga. Lakas makagago 'di ba? Saan ba talaga dapat lumugar? Pati sa opinyon ng ibang tao kailangan ko pa rin bang lumugar?

Masakit oo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ba ko iiyak sa tuwing maaalala ang masayang kami at kung paano nabaliwala lahat. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin o kung kaya ko pa ba siyang harapin. Hindi ko alam kung iiyak ba ako kapag nagpakasal sila bigla. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Pero sa ngayon, isa lang ang sigurado. Masakit. Masakit pa. Pero ang mahalaga kinakaya.

Kaya sa mga kupal na nagmamarunong sa kung ano ang dapat kong maramdaman, pakyu kayong lahat! Hindi niyo puso ang nadurog. Hindi niyo rin pangako ang naglaho. Oo, sasabihin niyong nag-aalala kayo sa akin, pero tangina, matanda na ako, mas may utak pa nga ako sa inyo pagdating sa pag-ibig. What's my proof? Lahat ng relasyon ko nagtatagal. At hindi pa ako nabubuntis. Hindi rin ako naghabol na parang desperadang mauubusan ng lalaki. Pero that's not my point, ang gusto kong sabihin, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano magmahal, at kanya-kanya rin tayo ng paraan kung paano masaktan. At kung paano mag-deal ng sakit. And I'm choosing to be happy while hurting. Pwede naman. Nakadepende sa tao. Nakadepende sa atin.

Sa huli, acceptance lang talaga. If you think that you've already done your part then accept it wholeheartedly. Ito lang talaga ang susi para maging buo ka pa rin. Let go of the past and keep moving on. Kung kinakailangan mong dumaan sa madugong proseso, gawin mo. Ang mahalaga makarating ka sa dulo. 


-FIN

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING