02 Feb
02Feb

"Hi, Espren"


"Pero Bog, bestfriend mo ako. Shinota mo ang bestfriend mo". Ang sakit nito. Bakit kasi kailangan pa nating pakialam ang mga kaibigan natin? Hindi pa ba sapat 'yung mahal niyo ang isa't isa bilang kaibigan? Bakit kailangang landiin? Bakit kailangang paasahin? Bakit kailangang lumevel-up kung hindi naman kayang panindigan ang lahat? Bakit kailangang isugal ang pagkakaibigan? Bakit ba hindi tayo nakokontento sa mga bagay na mayroon tayo? Bakit ba tayo sumusugal sa mga bagay na hindi sigurado at may malaking posibilidad na masaktan lang tayo? Bakit mo ba ako shinota?

Okay naman tayo sa halos tatlong taon ng pagkakaibigan natin, halos magkapatid na nga ang turingan nating dalawa. Pero bakit 'nung kinati ka, pati ako tinalo mo pa? At ako naman 'tong si Tanga, naniwala at umaasang 'hindi ako lolokohin nito, bestfriend ko 'to e'. Iyon ang pinanghawakan ko, sobrang laki ng tiwalang ibinigay ko sa'yo dahil alam mo lahat ng kwento ng pag-ibig ko, kung paano ako magmahal at masaktan sa dulo. Naniwala ako na maaalagaan mo ako nang totoo dahil kilala mo ako, pero hindi, masyado akong naging kampante sa pag-ibig mo nakalimutan kong tao ka lang din, lalaki ka lang din, may mga pangangailangan, may karupukan, may kahinaan.

Tanggap ko naman. Hindi mo na ako mahal kasi may mahal ka ng iba, pero sadyang masakit lang. Kasi sa huli, hindi mo pa rin pinahalagahan ang malalim nating pagkakaibigan. Oo, iniwan mo ako kasi ayaw mong lokohin ang relasyon natin, gusto mo pa ring magkaroon tayo ng respeto sa isa't isa pero hindi mo man lang ba naisip 'baka pwede pa?', na 'baka maayos pa?'. Nandoon ka lang sa opsyon na 'ayokong masaktan ka pang lalo kaya palalayain na kita', na 'ipagdadasal kong maging maligaya ka sa piling ng iba', na 'kapakanan mo lang ang iniisip mo, kasi mahal kita'. Psh, ang dami mong alam na kashitan pare-pareho lang din naman ang punto, 'sorry, hanggang kaibigan lang pala talaga tayo, sinubukan ko lang, paalam', parang ganito lang din 'yun e.

So, kumusta ka na? Balita ko nakahide ako sa lahat ng post mo ah. Hindi na rin kita mamessage ngayon. Pero ganun talaga e, walang mag-ex na nagiging magkaibigan ulit, lalo na 'yung galing sa 'bestfriend'-shinota-nagloko-nakalimot. FO for real bro.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING