10 Feb
10Feb

"HINDI NIYO KASI MAIINTINDIHAN.", ang sabi ko.

"TULUNGAN MO KAMING INTINDIHIN.", sagot nila.

"HINDI KO RIN KASI MAINTINDIHAN.", ang tugon.


Parang pag-aaral, hindi ako mahilig sa Math kaya hindi ko kayang magturo ng Calculus. Parang pag-i-Ingles, hindi ako puwedeng mag-copyedit dahil hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko. Parang pagkain, hindi ako titikim kung hindi ko gusto ang amoy. 

HINDI KA PUWEDENG HUMAKBANG NANG BASTA-BASTA LANG. Hanggat maaari kailangang alam mo ang tatapakan mo. Alam mo ang babagsakan mo. Alam mo dapat kung mahuhulog ka na o kung ligtas ka bang talaga. Dapat alam mo, para makaiwas ka sa sakit. Pero hindi, HINDI MO MALALAMAN ANG LAHAT. Hindi mo malalaman hanggang hindi ka natututo. Pero paano mo nga ba malalaman kung natatakot ka sa mga posibilidad? Natatakot. O nahihiya? Ayaw mong magpakilala sa iba. Sa mga tao. Sa mga mahal mo. Natatakot kang makilala ka nila sapagkat natatakot kang mahusgahan. Paano?

AT PAANO KUNG HINDI MO RIN TALAGA KILALA ANG IYONG SARILI?


I was told by friend na umiwas sa negativity ng mundo, but what will I do if the only thing that clears my mind is from that negativity. Paliwanag ang binibigay nito sa akin. Sagot, sa mga tanong na hindi ko sigurado. Kuwento, na hindi ko kilala pero ramdam ko.

I am not a fan of those depression-motivated post or pages in social media, I am a follower, yes. 'Cause there, I can feel that I belong. It is me. It gives me explanation on things that I cannot understand. It motivates me as well. It helps me understand what ALONE means. How does SADNESS eats people. What DEPRESSION looks like. At lalo akong tinuturuan nito kung gaano kaimportante ang PAGMAMAHAL. Na kung paano tayo inililigtas ng pagmamahal sa sanlibong kalungkutang ibinibigay sa atin ng mundo, ng mga tao. At kung paano tayo nagpapatuloy dahil sa mga taong mahal natin. At ito ang lakbaying dinaranasan ng maraming tulad ko, mga taong lutang sa espasyong lantad kung manghibang.

Hindi iilan ang kilala mong may pinagdaraanan sa buhay. Hindi iilan ang kinaawaan. Hindi iilan ang hinuhusgahan. Ngunit ilan lamang ang iyong totoong kilala, madalas, maski sarili mo pinagdadamutan ka ng dahilan at rason sa kalungkutang iyong nararamdaman.

Ako, si Kristine Mae Cabales, isa sa pinakamalungkot na mukhang masaya na walang choice kundi ang mabuhay at magpatuloy na taong makikilala mo. Teacher by profession. Anak. Kapatid. Kaibigan. Mangingibig. AT HINDI AKO MASAYA. Nakalimutan ko na ang kahulugan ng MASAYA at ang kaibahan nito sa pagiging MALIGAYA. Hindi ko rin alam kung kailan ito nagsimula. Pero kinakain ako nito, nitong lungkot, nang buo. Maybe, it started when I was in high school. Nang simulang ma-bully at mapag-tripan ng mga kaklase. Dahil hindi ako maganda. At hindi ako matalino. At hindi ako maintindihan ng mundo. O baka, noong elementary, dahil hindi ako maputi. At hindi ako maayos. At hindi ako kilala. At naghahanap ako ng kalinga sa iba. HINDI KO ALAM KUNG KAILAN NAGSIMULA. PERO MATAGAL NA ITO. NOON PA. NOONG BATA AKO.

Noon pa man, gusto ko laging mapag-isa. Pero lagi ko rin namang kailangan ng kasama. Dahil takot akong maiwan. Takot akong mapag-isa. Takot akong hindi matanggap. Takot ako na mahusgahan dahil gusto ko lang talaga  maging kakaiba. At siguro, takot ako sa takot. 

Hindi ko na maalala, pero alam kong ilang beses din akong napaiyak ng mga kaklase at kaibigan ko noong elementary ako. Dahil sa pang-aasar at panghuhusga dahil hindi nga ako maganda sa paningin nila. Umiyak din ako noong high school, dahil sa panloloko, heartbreak, at pang-iiwan ng mga inaakala kong kaibigan ko talaga. Noong college, ilang beses akong umiyak at nagdamdam dahil hindi ako kagaya ng iba. Marami bagay ang hindi ko kayang gawin at hindi ko ginagawa. Kasalanan ko. Alam ko. Pero hindi ko kasi makita ang sarili ko sa pagpapakulong sa standard ng ibang tao. Pero doon pa rin nakatuon ang fulfillment ko. Masaya ako pag masaya ang iba. Hindi ako mapakali kapag hindi sila masaya sa ginawa ko. Malungkot ako kapag hindi naaappreciate ng ibang tao ang effort ko. Kahit sino naman siguro pero iba ako. Nagtatanim ako ng tampo. At naiipon ito. Hanggang sa magbunga ng poot. Na hindi ko inilalabas. Kaya nauupos na lang at nag-iiwan ng abong madilim sa loob ko. At hindi ko sigurado kung ayos lang iyon. Kung ayos lang ba ako. 

Sabi nila, sobra daw ako kung magmahal. Higit pa nga sa sobra, ang sabi ko. Kaya hindi ko kayang intindihin kung bakit nagagawa pa rin akong lokohin, balewalain, iwan, saktan. Hindi ko talaga kayang intindihin. Kahit sa mga kaibigan ko. Higit ako kung magbigay ng atensiyon pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila ako mapagdamutan ng kaunti. Hindi ko talaga kayang intindihan kung bakit ang hirap para sa mga tao ang magmahal, ng gaya ko? O dahil hindi lang talaga ako kamahal-mahal na tao? Pero ayos naman ako. Sa tingin ko? Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi nila nakikitang mahalaga ako. 

Madalas, hindi ko rin sigurado ang mga nangyayari sa paligid. Sa pagtulog, doon, I have my wildest dream. Sikat ako. Malakas. Maganda. Magaling. Minsan nga, hindi ko na sigurado kung ano ang panaginip sa hindi. Dati, may mga hallucinations din ako. Hindi ko nga maalala kung ano ang mga pinaggagawa ko pero alam ko may moments akong ganoon before. Hindi lang talaga ako pinapansin ng parents ko dahil hindi naman iyon problema ng urban poor na gaya namin. O dahil, hindi lang sila naniniwala? Hindi ko na rin talaga alam. Ngayong matanda na ako, at pilit na nagpapanggap na naiintindihan ang mga ganitong bagay, nabawasan na ang daydreaming ko. Alam ko na ang tama sa hindi. Alam ko na ang totoo sa peke. Alam ko na ang dapat sa hindi. At pilit akong nagko-cope up. Kasi gusto kong maging normal. In denial pa ako noon, sabi ko, malungkot lang ako, pinapasaya ko lang naman ang sarili ko. And I noticed the pattern, every time na wala akong outlet sa feelings ko (writing, monologues, crying, or anything to express my feelings) I became the worst version of myself. I think things beyond Kristine Mae's doing. But I know I can control myself, I have to. I think of happy thoughts, see family pictures, and do my thing to provide outlet. Hindi ako puwedeng sumabog dahil ayoko pang mamatay. Pakiramdam ko, every time na mapupunta ako sa ganoong state, I can kill myself. I tried it once, noong college, hawak ang balisong ni Papa, hinasa sa pulso, then cry. HINDI KO KAYA. Noong high school, uminom ako ng maraming antibiotics kasi 'kala ko makakatulog ako tapos mamamatay. At noong elementary, sinubukan kong magtago sa kabinet for an hour, thinking na hindi ako makakahinga tapos mamamatay. Hindi ko alam kung alin dito ang nangyari talaga o kung ano ang nasa hallucinations ko lang noon. But it haunts me when I'm asleep. I can feel that my inner self wants me dead, or maybe it's the evil side of me. 

Natatakot akong magpakonsulta sa espesyalista, dahil gusto ko ngang maging normal. I'm also afraid na hindi naman nila ako maiintindihan. And I can tell na kaya ko namang i-handle ang sarili ko. With the provisions mula sa taas. I always pray. I always talk to Him. Kailangang-kailangan ko ng guidance, oo, pero takot na takot ako sa mundo. Parang naghuhumiyaw. Gaya ngayon. Sobrang daming ideya pero natatakot akong i-share, for I know, someday, someone will or might read this. When I'm dead. But I hope that suicide is not the cause. I will try my very best to fight, continuously. For a long time, I've been fighting. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan naiintindihan ko na? At pilit kong iniintindi lalo. 

THIS IS NOT A SUICIDE NOTE, but one day, if things gets worst, and I happened to kill myself. Reading this would make them understand why, and that I tried my hardest to keep on fighting those demons in me. I really do, believe me.


Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING