04 Aug

Siguro nangyari lang ito dahil ito ang nakaplano

Siguro naghiwalay kasi hindi bagay

Siguro tumahimik kasi sobrang ingay

Siguro umiyak kasi sobrang nadurog

Siguro nagbago kasi sobrang nasaktan

Siguro bumitaw kasi napagod

Siguro naghanap kasi kinukulang

Siguro lumayo kasi nagsawa

Siguro nasaktan kaya naging malakas

Siguro mahal ka kaya nandiyan pa rin siya

Siguro mahal mo kaya ayaw mawala sa isip mo

Siguro para sa isa’t isa kaya patuloy na nagsasama


Sa lahat ng siguro,

Isa lang ang sigurado

Mahal na mahal kita sa kabila ng mga sigurong hindi sigurado

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING