12 Sep
12Sep

Kung ikaw si The Loyal One, mag-aantay ka na lang ba talaga hanggang sa mahilom ang sugat na hindi nakikita ng mga mata? Maghahabol ka ba? At patuloy na aasa na baka nga totoo 'yung "Kung kayo, kayo talaga". Magdarasal ka lang ba? Na tulungan kang makalimot sa sakit. O maghihiganti ka ba? Sisiraan mo siya? Susugurin mo? Sasaktan mo? Magpapakabitter ka? Matatahimik ka bang talaga kapag makaganti ka na?

Totoo ito.

After break-up, the loyal one stays single. At siyang nadudurog sa araw-araw dahil sa ideyang malungkot siya habang ang taong nang-iwan sa kanya ay nagsasaya na sa piling ng iba.

After break-up, the loyal one stays single. At siyang pinapatay araw-araw ng mga alaalang nakaimbak lang sa puso't isip niya. Na unti-unting ginagawang bangungot ng katotohanang mag-isa na siya.

After break-up, the loyal one stays single. At kailangan niyang magpakatatag dahil siya na lang mag-isa at mahihirapan na siyang makahanap ng taong dapat niyang pagkatiwalaan pa.

And after break-up, THE LOYAL ONE STAYS SINGLE AND DEALS WITH THE DAMAGES UNTIL HEALED.

Madugo ang proseso ng DEALS WITH THE DAMAGES pero pasasaan ba't makakamit mo rin ang UNTIL HEALED sa dulo. Hindi lang natin nalalaman kung hanggang kailan aabot ang sakit, at kung hanggang saan lalalim ang sugat. Ngunit ito'y maghihilom. Magtatapos din ang lahat. Malilimot din ang kahapon. Tiwala lang.

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING