29 Aug
29Aug

Agosto 29, 2016 (pasado alas-diyes)


Masaya ako. Nagchecheck ng mga papel ng mga anak ko. Nanonood ng Magic Mike. Nang biglang may magmessage sa akin, may screencap na pinadala (see attachments). Ang sakit pala talaga, kapag isinampal sa'yo ang tuldok sa pangungusap. Ang -Fin sa dulo. Ang wakas ng bawat kwento. Ang sakit, tangina.

Ipinangalandakan mo sa mundo ng social media na masaya ka na sa bago mo, habang ako inaabangan nila ang hugot post ko. Pero hindi ko gagawin. Hindi ako magpopost sa FB. Hindi ko hahayaang makisimpatya lamang ang ibang tao sa akin at magalit sila sa'yo. Hindi sapat na magalit lang sa'yo ang mundo. Gusto ko ay magalit ka mismo sa sarili mo. 

Hahayaan kita sa ngayon, maging masaya't maligaya ka. Libangin mo ang sarili mo. Pasayahin mo 'yang bago mong mundo. Alam kong kayang-kaya mo 'yang gawin dahil lahat 'yan ay nagawa mo na sa akin, noon. Ginawa mo akong mundo mo. Ginawa mo akong prinsesa. Ginawa mo ako hangin na kailangan mo sa araw-araw at pinadarama mo sa akin kung gaano ako kahalaga. Salamat din naman, na pinasaya mo ako sa loob ng higit tatlong taon.

Ang hirap lang talagang tanggapin na "technically" ipinagpalit mo ako AGAD sa iba. Tangina naman kasi Eugene Clyde, ang hirap isipin kung bakit. Ang sakit isipin na walang dahilan. Ang sakit isipin kung ano ba ang kulang. Ang sakit isipin kung ano ba ang mali Tangina. Nakadudurog. 

Ang sabi mo, mas mabuti nang maghiwalay kaysa manatili tayo pero malaki ang posibilidad na masaktan ako nang higit kaysa sa sakit na naramdaman ko noong mag-cool off tayo. Pero mali ka, pare-parehas lang ang sakit. Walang medyo masakit. Ang sakit ay sakit. Tumatagos sa buto. Ninanamnam ng pagkatao. Ang sakit sobra. Masakit lalong isipin na nagawa mo akong saktan nang ganoon lang. Basta-basta na lang. Wala lang sa'yo kung ano ang mararamdaman ko. Kung ano ang iisipin ng tao? Kung ano ang iisipin ng magulang at kapatid ko na kilalang-kilala ka na? Na wala lang sa'yo ang lahat? Ang sakit Eugene Clyde. Sobrang sakit.

Hindi ko alam pero nilalamon na naman ako ng galit. Bakit kasi kailangan magkaganito? Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla-biglang tumutulo ang luha ko. Pero hindi na gaya nang dati, napipigil ko na. Sabay tawa. Tinatawanan ko na lang kasi di ba tangina, best friend mo ako, parang kapatid tapos tangina sinasaktan mo. 

Pero wala na akong magagawa di ba? At wala rin naman na akong balak gawin pa. Hindi dahil isinuko na kita, kundi dahil ayoko nang lumaban pa. Magkaiba 'yun. At sana hindi dumating ang araw na bumalik ka sakin, wag ka nang bumalik pakiusap. Wag mo nang guluhin ang magiging tahimik kong mundo. Itatapon ko na lahat. Maging pagkakaibigan, wala na muna. Hanggang sa tuluyan nang maghilom. At sana pagdating ng panahong iyon, masaya ka pa rin. 

Ayokong maghiganti sa'yo kasi mabuti ka namang tao. Dangan nga lang, natukso ka siguro o hinanap mo rin ang mas makapagpapasaya sa'yo. Pero tangina, ginawa ko lahat para mapasaya ka di ba? Siguro kaya rin ako nasasaktan dahil hindi ko matanggap sa sarili ko na may kulang sa akin. Na mayroon akong hindi nagawa kaya hindi ka na naging masaya. Pero sa kabilang bahagi ng utak ko, sinasabi niyang baka hindi mo na talaga ako mahal kaya ganoon na lang kadali itapon ang lahat. Edi tanggapin na lang. Kaya ko naman.

Nakatatawa ang naglalaro sa utak ko ngayon, ipinagpalit mo ko sa nakashort! Tangina. Chicks kung chicks pero mas maganda ako doon. Sa isip, sa salita at sa gawa!

Agosto 29, 2016! Bukas, ipagdiriwang ko pa naman ang ika-40 araw ng paghihiwalay natin. Hindi ka man lang nakapag-antay, hayop ka! Ika-40 na araw, para manaog na sa kinaroroonan ng mga yumao ang mga nangamatay mong pangako. Hindi ka man lang nakapag-antay.

Araw ng mga Bayani pa naman ngayon. Pero hindi ako bayani at lalong hindi ako martyr. Kaya goodluck na lang sa'yo at sa bago mo. Sana maging masaya kayo #serious. Masakit pero sana matupad mo ang mga pangarap mo SA ATIN NOON. Pero magagalak ako kapag nagbreak kayo agad. #bitter

Tatapusin ko na! Inistorbo mo pa akong hayop ka! Hindi ko tuloy matapos 'tong chinecheckan kong papel! Adios Mi Amor! 

Sa huli, TANGINA MO!

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING