Walang Pamagat
Kung gagawa man ako ng tula
Hindi na patungkol sa iyo
Kundi patungkol sa pag-ibig
Na siyang sinayang mo
Kung gagawa man ako ng tula
Hindi na patungkol sa iyo
Papaksain ko naman ang sarili ko
Kung paano kita minahal at pinalaya sa dulo
Kung gagawa man ako ng tula
Gagawin ko ito nang buong pagmamahal
Isusulat ang lahat ng damdamin
Nanamnamin bawat titik ng linya
At kung ito ma'y mabasa mo
Wag mo sana bilugin ang utak ko
Wag mong isipin naisulat ko ito dahil sayo
Wag mong hangaring ialay ko ito sayo
Dahil ang tulang isusulat ko ay para sa akin
Tungkol sa akin
Na nakalimutan kong mahalin
Simula ng sumulat ako ng tula patungkol sa pag-ibig natin.
-Fin
LikeShow more reactionsCommentShare83Eulyn Key Gallofin, Daniely Avenix Castulo and 81 others
Maria Alexandra Joy Bonnevie Ang galing mo po. How to be you po?Unlike · Reply · 1 · 14 hrs
Tinay Carilla replied · 3 Replies
N Josef Mercado beri nays, miss!!! i dont know whats going on. i dont mind not knowing, but this is just owsam!! clap, clap po!!!Unlike · Reply · 1 · 14 hrs
Tinay Carilla replied · 2 Replies
Pam Albeza 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻Unlike · Reply · 1 · 13 hrs
Tinay Carilla replied · 1 Reply
Write a comment...