Mula sa Malayo
At kung hindi mo man ako payagang mahalin ka
Mamahalin pa rin kita nang palihim
Hindi ko hahangaring mapasakin ka
Ang kailangan ko lang ay mahalin ka
Gusto kitang mahalin nang buo
Kahit hindi mo suklian ito
Gusto kong maghintay sayo
Kahit walang bagay na sigurado
Ang gusto ko lamang ay mahalin ka
Dahil kailangan kong mahalin ka
Kailangan kong ipagsigawan sa mundo ang nararamdaman ko
Dahil kung itatago ko lamang
Natatakot akong sumabog ito
Natatakot akong mamatay
Sa lason ng pag-ibig ko sayo
Pero kung ito man ang kinakailangan
Hindi ko ito pipigilan
Dahil pipiliin kong masaktan
Maski mamatay man
Basta malaman mong minahal kita
Nang higit kanino man.
-Fin