26 Oct

Minahal mo ba talaga 

kung hinayaan mo't 

hindi ipinaglaban?

Mahal mong talaga, 

kung pinakawalan mo't 

ipinaubaya kung saan siya sasaya?


Lagi kong ipinapaalaala sa iyo noon, na kung magkakaroon ng pagkakataon na kailangan mong pumili sa pagitan ko at ng ibang tao, lagi kita ipauubaya sa kung saan ka mas sasaya. Ni wala akong balak ikulong ka sa mga pangakong binitiwan mo. Handa akong palayain ka. Handa akong magpaubaya. 

Ngunit mali ako nang inakala kong makikita mo ang aking sakripisyo. Sa halip, nagalit ka at isinumbat sa akin ang hindi ko paghakbang papalapit sa iyo. Ang hindi ko pagpili. Ang hindi pananatili. Ang hindi ko pagsugal. 

Ngunit Mahal, nakalimutan mo atang sa sugal ng pag-ibig, kailangang dalawang balikat ang magkatuwang. Mali ka ng inasahan mong ako lang ang dapat aalalay sa relasyong tayong dalawa naman ang bumuo. 

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING