A PURPOSE-DRIVEN LIFE at hindi ganito ang sa akin. Matagal-tagal na rin. My life was just driven by guilt, resentment, and approval from people that I really care for.
A friend gave me a Christmas present, a book of 40-day-hanapin-ang-sarili-challenge. I am indeed happy for I know that she cares for me, and she wants to help me in finding my long-time-lost-soul-that-i-haven't-found-yet. I am so ready to read it. Internalize. At palayain ang sarili. But I found myself confused...again...for the nth time. I was lost. I couldn't find myself. I feel pathetic for I have to read this whole thing just to realize what do I really want in my life. And still, I don't have any idea. I cannot assure myself with the things on my mind because I know that sooner or later it'll change, rapidly, because I am not sure of it at all. I am too afraid to risk all the remaining chances for myself. Nang makabawi. Kasi baka mali na naman. Paulit-ulit na kamalian. Niyakap ko na ata ang negativity ng mga tao sa paligid ko. Ayoko nang sumugal dahil baka mapahiya lang ako ulit. Though hindi pa naman ako napapahiya nang husto, pero nahihiya na ako. Ilang beses ko nang narinig ang mga linyang "sayang naman ang utak mo", "anong balak mo sa buhay", "napakasuwerte mo naman", all of these in a sarcastic-may-panlilibak-at-may-totoong-panghihinayang tune. And with my ever jolly personality, I answered them without any grief, "okay lang yan", and since then, they thought that I was okay. But I am not.
Last year, mid of 2017, I was consumed with suicidal thoughts. I really wanted to end my life. I thought that I my life couldn't make any sense at all. I am indeed useless. As a daughter. As a professional. As a human being. Pero buti na lang, anak ako ng Diyos. He always makes me feel that somehow, I am loved. Lagi Siyang may sorpreseng ibinibigay sa mga pagkakataong pinaka hindi mo inaasahan. And that made me decide na lalaban ko ang sarili kong takot. Lalaban ko ang kalungkutan sa loob ko. Lalaban ako nang ako lang dahil para ito sa sarili ko. Sa ngayon, wala pa ring kaayusan ang lahat. May mga sumusundot-sundot pa rin na panghihinayang, pagsisisi, at galit. Pero pinipilit ko pa ring tumingin sa mas maliwanag na parte ng pagkatao ko. Kayhusay talaga ng Ama. Siguro, habang niluluto niya ako iniisip na niyang kailangan kong magkaroon ng masayang katauhan para hindi ako agad panghinaan ng loob. Inilagay niya rin ako sa isang maayos at maunawaing pamilya para matulungan ako. Masyado na akong na-spoiled ng Ama. Siguro, panahon na rin para makabawi at maglingkod. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip kong pagbawi, pero susubukan ko pa rin. Kahit baka mapahiya. Kahit muling ikahiya. Kahit nakakahiya. Matagal-tagal na rin akong naging kampante sa buhay ko. Naging sapat sa akin ang dapat sana'y mas maalwan para sa akin at sa iba.
Sa totoo lang, matagal-tagal nang sarili ko lang ang iniisip ko. Matagal na akong unfair sa ibang tao. Matagal na akong nanggagamit. Matagal na akong umaasa. Panahon na para ako naman ang asahan ng iba, kung ito man ang layon ko sa buhay. Kahit Panahon na para magpatapang. Kahit hindi sigurado. Kahit bahala na.
-FIN
~drafted, 11:48pm, 1.3.18