05 Sep
05Sep

Masyado na tayong matanda para maniwala pa sa mga salita. Hindi na natin kailangan ng mga salitang wala naman talagang dala-dalang kahulugan. Higit lalong hindi na natin kailangan ng mga pangako ng kapayapaan ng isip pagdating ng araw. Bagkus, hahabulin natin ang araw kung kailan magiging payapa ang lahat.

May mga bahagi sa atin na naghihintay ng tapik, ng pag-alo, ng pagyakap. Ngunit ang ibang bahagi? Naghihintay ng pagtakas. Naghahanap ng tamang buwelo kung kailan nga ba magiging tama ang pagtakbo.


May angkop na edad ba kung kailan dapat sumuko? May age bracket ba sa pagsubok? E sa pagtakbo? May tamang edad ba para sabihing tama na? 

'Yong tipong "time's up, qouta ka na!"?


Walang nakaaalam, dahil hindi naman natin hawak ang orasan ng tadhana. Hindi natin batid kung kailan mangyayari ang ano, at kung ibibigay ba talaga ang mga bagay na matagal na nating ginugusto. Ngunit iisa lang ang sigurado, sumubok ka man o hindi--may bagay na mawawala pa rin sa'yo. Doon ka na sa bagay na sa tingin mo ay hindi ka masyadong talo.


-Fin

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING